Epekto ng Social Media sa Wika at Kultura
Napagisipan mo na ba ang kapangyarihan ng Social Media na magbabago sa ating Wika at kultura sa pamamaraan ng impluwensya?
Ang Social Media ay ang naguunang plataporma sa paglalahad sa mga iba’t ibang ideya at paniniwala ng mga tao sa buong mundo, dahil rito naging mas madali ang pakikipag-ugnay sa mga tao, kahit hindi mo sila kilala, maari nila makikita ang iyong mga ideya dahil sa social media. Binago ng Social Media ang pamamaraan ng mga tao sa pakikipag-ugnayan at pati na rin sa kanilang mga paniniwala.
Nagiging uso ang mga ‘slang’, impormal na mga salita, at shortcut na mensahe o ‘abbreviated’ language. Ito ay mga halimbawa sa impluwensya ng Social Media sa wika, tayo ay nakagawa ng mga bagong salita o bagong kahulugan na hindi mauunawan ng iba kung hindi sila palagi gumagamit sa internet.
Halimbawa sa slang ay mga salitang; ‘skibidi’ at ‘fanum tax’ habang ang ‘FOMO’ o Fear of Missing Out ay halimbawa ng abbreviated language, at halimbawa ng isang salita na nabibigyan ng bagong kahulugan ay ‘ate’ or ‘eat’ habang ito ay nangagahulugan parin sa pagpakain, ngunit maari nang gamitin bilang isang pamamaraan sa pagsabi ng ‘nakakamangha’ o ‘mahusay’.
Sa panig kultura, ang Social Media ay nagbibigay daan sa pagkalantad ng iba’t ibang kultura at sa kanilang mga paniniwala at tradisyon. Halimbawa nito ay ang pagkain na Buldak at sushi na nakilala lang natin dahil sa internet at mga pelikula.
Naging mas edukado rin tayo tungkol sa iilang mga isyu na nararanasan sa mga tao na nasa ibang panig ng mundo. Halimbawa nito ay ang giyera ng Ukraine at Russia at ng Isarael at Palestine. Nagiging bukas tayo sa kahirapan ng ibang tao at nabibigyan ng opportunidad na tumulong sa kanila sa pamamaraan ng paglalahad ng importante na impormasyon sa iba at paggawa ng mga fundraiser.
At para sa akin ang pinakamalaking ambag ng Social Media sa panahon ngayon ay mas naging bukas tayo sa activismo, at liberal na paniniwala. Ang Social Media ay salamin at katalista sa pagbabago ng wika at kultura. Ito ay Isang dinamikong puwersa na humigis sa mga pamamaraan ng ugnayan sa buong mundo.